Pinagpalang Lakbay sa Bayan ng Pila

Gusto mo bang mamangha at mapagpala? Halina at samahan kami sa paglalakbay sa bayan na pinagpala, ang pila, bayang pinagpala!

Simbahan ng Pila Laguna (Declared as National Shrine of Saint Anthony De Padua).           

Ang 40 na taon na simbahan ng Pila, Laguna ay ang pangunahing atraksyon na matatagpuan sa bayan ng Pila kasama ang Plaza namakikita sa harapan nito.  Ito ay inilipat mula sa orihinal na lokasyon sa gitna ng bayan ng Pila na dating  'Pagalangan'. Ngunit noog dumating ang digmaang pandaigdig ito ay napalitan ng Bayang Pinagpala dahil sa paniniwalang ang tanging Bayan na hindi nahulugan ng bomba dahil ito ay hindi nakita dahil sa daming puno na nakapaligid sa bayang ito kaya siya ay pinaniniwalaan pinagpala.

Noong Mayo 2000 ang National Historical
Institute ay idiniklara na ang simbahan ng Pila at ang Plaza na nasa harapan nito ay maging National Historical Landmark, kaya  dahil dito unti-unting nakilala ang Simbahan at ang Plaza bilang magandang pasyalan sa pila bukod sa mga lumang bahay na nakapaligid dito.

 Sa paglipas ng panahon ay padami nang padami na ang mga dumadayo sa bayan upang pasyalan at makita ang nasabing Simbahan lalo na ng idiniklara itong Pambansang Dambana ng  San Antonio de Padua. Ito ay isa sa mga destinasyon ng mga nag bibisita iglesia tuwing sasapit ang mahal na araw, paboritong ganapan ng mga kasal at binyag, at mga turistang nag iikot upang makita ang iba't ibang lumang Simbahan dito sa laguna.

At tuwing sasapit ang kapaskuhan ay isa ito sa pinapailawan kasabay ng plaza na talaga namang nakakamangha at nakakapagbigay saya sa bawat kaibigan at pamilya na pumumunta sa bayan ng Pila na bayang pinagpala.

Ancestral Houses of Pila 



Ang Pila, Laguna, ay kilala sa kanyang mayamang kultura at kasaysayan, na may maraming mga bahay na pang-ancestro na nagpapakita ng arkitekturang Pilipino mula sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Ang mga bahay na ito, na may mga ugat mula huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 siglo, ay sumasalamin sa kahalagahan ng bayan bilang isang sentro ng kalakalan at kultura. Patuloy ang mga lokal na pagsisikap na pangalagaan ang mga bahay na ito, na bahagi ng turismo ng pamana ng Pila, nag-aalok ng mga kaganapan at pagbisita sa kasaysayan.
Ang mga bahay na pang-ancestro ng Pila ay patunay ng mayamang kasaysayan ng bayan, na pinag-uugnay ang tradisyon at modernong pagpapahalaga sa kultura. 


Pila, Plaza Town

Isang makulay at masayang sentrong atraksyon ng pila kasama nangingibabaw na mga pailaw sa Plaza ng Pila. Agaw pansin ang isang higanteng Christmas Tree na aming pinagkuhanan ng litrato. Isang makulay at malaking puno na nagsisimbolo na Pasko na naman sa Pila. Sa lawak ng Plaza ay maaari kang mag picnic sa grounds. Nakapalibot din dito ang iba't ibang stalls na maaari mong pagbilhan ng pagkain kung ikaw ay nauuhaw o nagugutom. Nangingibabaw din ang pagtugtog ng iba't ibang Christmas song na sumasabay sa vibe ng Plaza. Sobrang ilaw at sobrang ganda ng Plaza tuwing sasapit na ang pasko. Ngunit ito ay payapa at masarap pagtambayan kung sa mga normal lamang na araw.


Ang aming paglalakbay ay nakatulong sa amin upang mas lalong matuklasan ang ganda ng mga lugar na palagi naming napupuntahan at nadadaanan. Sa paglalakbay na ito ay nakita namin kung gaano nga ba makasaysayan at makabuluhan ang Bayang pinagpala, pila. 


Comments